mommy susan's friends (haha)

"Huwag mong bibigkasin ang hindi."

Matagal na akong naghahanap ng ~bagong libro ni Bob Ong. Marami na rin palang nangakong papahiramin ako, kaso lagi ako huli sa pila, kundi panlima, pangwalo basta hindi ako agad yung immediate borrower. Natatamad din naman kase akong bumili nung libro nung mga nakaraan. Wala pa kase akong extra cash to buy brand new books kahit Php150 lang yan. Grepa, keri. So, hiram nalang. Pero after the trying and trying, I end up not succeeding. Hence, giving up. (drama. haha) 

Ayun, ginive-up ko muna yung book. Pag humupa na siguro yung hype sa libro baka mas mabilis na ako makahiram. Hanggang sa napunta ako kahapon sa bookstore para bumili ng librong pang-book-review-project ng kapatid ko, nakakita ako ng copy ng Mama Susan. Dahil may extra bucks pa naman ako, binili ko na bago pa magbago isip ko. Hindi ko siya binasa agad nung gabe, sabe ko, umaga nalang para hindi masyadong creepy. Sabe kase nung ibang nakabasa at nang-iinggit (lols) e nakakatakot daw. Iba daw sa mga previous books ni Bob Ong. So ako naman, 'kay. Dahil madali akong matakot, go sa umaga nalang.

Eto na yung review. Hahaha.

The story was about Galo, 16 years old, Engineering student. Madame siyang angst sa buhay tulad ng dysfunctional family, failed love life at demotivated personality. Meron siyang school project na diary kung san kelangan niyang idetail dun yung day-to-day activities niya. Natapos na yung sem at lahat, nagsusulat pa rin siya dun sa notebook niya-- yun lang din naman kase yung outlet niya ng mga frustrations niya sa buhay. Yung ~creepy parts ay nung napunta na siya sa probinsya nila para alagaan ang lola niya. Madame siyang naramdaman at naranasan. Well, basahin niyo nalang yung book, hindi ako spoiler e. Hehehe.

Actually, saktuhan lang yung libro. Never naman kase ako naging fan ng horror-suspense thingies. Okay so biased ako niyan. Sige, looking objectively, na-satisfy naman niya yung justified expectations ko sa story. Dahil nga horror-suspense ang genre niya, meron naman siyang fair share ng creepy moments, although hindi ka naman magkakaron ng isasara-ko-muna-yung-libro-kase-kinikilabutan-ako moment. Sakto lang. Plus, being Bob Ong, I expected some sort of underlying messages or themes na gusto niyang iparating. I was able to grasp them naman kaso parang kulang sa tieback yung kwento o dahil cliff-hanger lang yung ending. O yun.

Madameng tanong na maiiwan sayo after reading the book. Baket maraming secrets si Galo? Ano kaya yun? Sino kaya yung babaeng tinutukoy niya sa mga rap entries niya sa diary? Totoo kaya yung mga "pasabog (Fermin, eternity)" ni Mama Susan halfway thru the book? Ganon din kaya nangyare kay Tinay? Si Niko kaya gumaling? E si Jezel? Basta may mga ganyang loose ends at makukunot nalang noo mo kase wala sa libro yung sagot at kahit dun sa mga Latin prayers na nakalagay sa entries ni Galo.

But then again, nasa style siya ng pagkakasulat ng libro. Dahil diary-entry style siya, malamang hindi lahat maisusulat ni Galo yun o ng kahit na sino. Hindi mo naman kase kayang idescribe lahat ng feelings o emotions na nararamdaman mo at the moment. Madalas, words won't really be enough to encompass all of them (oha!). Kaya siguro hindi na naituloy pang ikwento ni Galo yung mga nakakakilabot na nakita niya. Hindi niya na rin naipaliwanag pa o nasabi yung mga sikreto niya sa buhay. Human nature na siguro yun-- i-conceal yung mga bagay na gusto mo nang kalimutan o ni-re-regret mong nangyare sa buhay mo. Kase nga kulang ang salita para ipakitang nasaktan ka sa pangyayari o nagsisi ka na sa pagkakamali mo o hindi mo na kaya pang balikan yung kahihiyang naranasan mo. Ganun siguro yun para kay Galo, kaya solb na na mabasa naten yung raps niya at reklamo niya. Sasapat na yun. Ganun ka din naman. Ganun din ako.

May varying themes din na sinubukang bigyang-pansin sa libro-- organized religion, faith in a higher being, technology at end of the world. Halos lahat si Mama Susan yung nagbigay ng paliwanag dito. Strong yung words ni Mama Susan dito-- riveting and true. Binigyang diin niya yung masyadong pag-depend ng tao sa technology-- kahit gano nito kayang padaliin ang lahat, madalas ito pa ang mitsa ng buhay naten. Para sa kanya, mabilis magoyo ang tao at madali ding makalimot ito. For one, gugustuhin mo lahat ng bagong gadgets kase dadali lahat ng ginagawa mo, nakalimutang kaya siya may paa at kamay e para gamitin sa paggawa. Akala niya nakakuha siya ng mga alilang robot, pero ang totoo, unti-unti na siyang inalipan ng kagustuhan niyang kamtin lahat ng magagandang bagay sa mundo. Pinakita ni Mama Susan na maraming magagandang bagay na ibibigay sayo kung mananatili kang payak at kuntento. Para sa kanya, masyadong maraming hinahanap ang tao samantalang kapag nagdasal ka at tumingin sa paligid mo, andun na rin naman yun. Mahalaga para kay Mama Susan ang Diyos. Marami na ang nakalimot sa kanya pero gumagawa siya ng paraan para makita mong anjan siya.

Marahil tayo si Galo, madameng hinahanap sa buhay. Madameng angst. At yung sarili nating konsensya si Mama Susan, gusto tayong ibalik dun sa simpleng explanation ng mga bagay-bagay na ginagawa nating kumplikado. Madame siyang gustong sabihin, ipaliwanag. Kaso lage tayong takot i-confront, pakinggan, kase alam nateng kahit masasakit ang bibitiwan niyang salita, totoo yun at kelangan nating baguhin, once and for all. Pero well, madalas ayaw naten. Iiwas.

Siguro napaka-unconventional lang na "kaibigan ni Mama Susan" at cult organization ang ginamit para ipaliwanag yang mga ganyang bagay. O baka hindi rin naman yan yung meaning, nag-iinarte lang ako at nagpapaka-profound. Pero ganun ko siya nakuha. Anyways, basahin niyo nalang, baka me iba din kayong interpretation. I-share mo nalang din saken. :)

PS: Binasa ko yung mga hindi ko naintindihang Latin phrases. Wala namang naganap. Tatry ko ding iGoogle Translate baka may meaning talaga yun. 

Eto pala yung trailer cheber niya sa net kaya madameng na-hype na nilalang, Bob Ong fans and all:

http://www.youtube.com/watch?v=JZgmh48zUaI

Labels: , ,

felix felicis: mommy susan's friends (haha)

Thursday, June 16, 2011

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home