felix felicis

felix felicis: July 2011

Tuesday, July 19, 2011

The Sunscreen Song


Most of the time, people are stuck on life's crossroads. Should I go here or there. Should I turn left or go right. Should I continue to walk or should I stop and meander on the path for now. There's just too much questions. Especially if you are coming of age. By that I mean, we young people are undergoing the "growing up process". The older people would tell us how important our choices would be because they would define the next chapters of our lives. And maybe I'm into that right now. Or maybe I got past it. I really don't know. 


And then I got across an article from the Inquirer, Youngblood column (http://opinion.inquirer.net/8077/not-to-worry).  The writer was kinda undecided with her life. The only thing that helps her make sense of everything was the "Sunscreen Song" by Baz Luhrmann. She quoted several lines. I got piqued so I googled it. I found out that the song was a newspaper article first, written by Mary Schmich and published on June 1, 1997 in the Chicago Tribune. Mr. Luhrmann bought the rights of the article to turn it into a song. Eventually,  it made its way to mainstream radiowaves. 


Well, I just thought I had to post the article. Here it is:


Wear sunscreen. 

If I could offer you only one tip for the future, sunscreen would be it. The long-term benefits of sunscreen have been proved by scientists, whereas the rest of my advice has no basis more reliable than my own meandering experience. I will dispense this advice now. 

Enjoy the power and beauty of your youth. Oh, never mind. You will not understand the power and beauty of your youth until they've faded. But trust me, in 20 years, you'll look back at photos of yourself and recall in a way you can't grasp now how much possibility lay before you and how fabulous you really looked. You are not as fat as you imagine.   

Don't worry about the future. Or worry, but know that worrying is as effective as trying to solve an algebra equation by chewing bubble gum. The real troubles in your life are apt to be things that never crossed your worried mind, the kind that blindside you at 4 p.m. on some idle Tuesday.   

Do one thing every day that scares you. 

Sing. 

Don't be reckless with other people's hearts. Don't put up with people who are reckless with yours.   Floss. 

Don't waste your time on jealousy. Sometimes you're ahead, sometimes you're behind. The race is long and, in the end, it's only with yourself. 

Remember compliments you receive. Forget the insults. If you succeed in doing this, tell me how.   
Keep your old love letters. Throw away your old bank statements. 

Stretch.   

Don't feel guilty if you don't know what you want to do with your life. The most interesting people I know didn't know at 22 what they wanted to do with their lives. Some of the most interesting 40-year-olds I know still don't.   

Get plenty of calcium. Be kind to your knees. You'll miss them when they're gone.   

Maybe you'll marry, maybe you won't. Maybe you'll have children, maybe you won't. Maybe you'll divorce at 40, maybe you'll dance the funky chicken on your 75th wedding anniversary. 

Whatever you do, don't congratulate yourself too much, or berate yourself either. Your choices are half chance. So are everybody else's.   

Enjoy your body. Use it every way you can. Don't be afraid of it or of what other people think of it. It's the greatest instrument you'll ever own.   

Dance, even if you have nowhere to do it but your living room.   

Read the directions, even if you don't follow them.   

Do not read beauty magazines. They will only make you feel ugly.   

Get to know your parents. You never know when they'll be gone for good. Be nice to your siblings. They're your best link to your past and the people most likely to stick with you in the future.   

Understand that friends come and go, but with a precious few you should hold on. Work hard to bridge the gaps in geography and lifestyle, because the older you get, the more you need the people who knew you when you were young. 

Live in New York City once, but leave before it makes you hard. Live in Northern California once, but leave before it makes you soft.   

Travel.   

Accept certain inalienable truths: Prices will rise. Politicians will philander. You, too, will get old. And when you do, you'll fantasize that when you were young, prices were reasonable, politicians were noble and children respected their elders.   

Respect your elders.   

Don't expect anyone else to support you. Maybe you have a trust fund. Maybe you'll have a wealthy spouse. But you never know when either one might run out.   

Don't mess too much with your hair or by the time you're 40 it will look 85.   

Be careful whose advice you buy, but be patient with those who supply it. Advice is a form of nostalgia. Dispensing it is a way of fishing the past from the disposal, wiping it off, painting over the ugly parts and recycling it for more than it's worth.   

But trust me on the sunscreen. 

I'm not yet 22, but I'm nearing it. And I still haven't mapped out my whole future. I'm not really a planner, you know. But I do dream of something. I'm just a bit undecided. No fickle-minded. No really, I'm still trying to weigh my options. All I know is that I'm enjoying my life right now and I'm thanking God for everything He puts in my way.




Someday, I'll be able to figure things out but I guess I'll settle on buying a sunscreen for now.

Cheers!

Labels: , , , ,

Monday, July 18, 2011

Sa aking Sintang Paaralan,


Isang buwan ang lumipas at malugod mong tinanggap ang daan-daang bagong mukha sa iyong mga kamay. Masaya mong ipinakita sa kanila kung paano ka binago ng teknolohiya at kung paanong ang luma mong anyo ay naging maaliwalas muli. Tinanggap mo sila kahit na naka-tsinelas lang sila at naka-simpleng t-shirt. Para sayo, hindi mahalagang may pera o marangya silang tingnan, ang mahalaga, may bagong mga utak na nais matuto sa ilalim ng iyong mapagkalingang komunidad. At kahit na sa mga nakakaraang buwan ay naging laman ka ng mga pahayagan dahil sa samu't saring balita-- maganda man sa pandinig o hindi-- ay pinili pa rin ng daan-daang ito na sa'yo magpasakop. Siguro dahil P12 lang per unit ang ibinibigay mo at wala silang pera. O kaya dahil maluwag lang ang standards mo kaya okay nang pumasok sayo kesa ibang may uniform at kung anu-anong miscellaneous fees. Anuman ang dahilan, ayos na dahil nakita nilang andyan ka as an option. Okay lang naman yata sa'yong option ka e. Hindi ko din alam. Siguro nga. Pero sana hindi.



Pagpasok, makikitang okay at astig yung mga bagong tayong dingding sa paligid ng bagong lagoon. Matutuwa din sila dahil may nagsusumigaw ng scoreboard o announcement board o traffic sign sa catwalk. Maaaliw din sila dahil parang kanto lang nila yung basketball court sa kanan kasi andaming tambay, kala mo may pa-liga halos araw-araw. Malulula din sila sa dami ng choices ng pagkain sa North at East Wings-- FEWA, FEWA with a twist, Pepsi, Pepsi Light, Pepsi Dark. Meron pang iba't ibang flavor ng french fries at samu't sari ding flavors at combinations ng shakes. Tapus kapag nakakuha na sila ng Basic Economics subject maiisip nilang healthy competition siguro yung nasa canteen, halos pare-parehas kasi yung tinda, pero sa isang banda mukhang competition lang naman talaga, walang healthy sa unahan ng salita, cut-throat kase madalas. Minsan na kasing may na-food poison sa amin sumakit ang tiyan. Pero hindi ko naman sinasabing lahat ng food stalls ganun. Yung iba lang. Minsan naman mauumay na sila kase  nga pare-parehas, pero siyempre titiisin ng madami yun. Una, dahil gutom na sila. Pero pangalawa, mas madame sa kanilang masasayangan sa maiipon kung ipangja-Jollibee nila yun o Andoks sa gilid. Okay na yung 'hamenchiz at hamenegg sandwitz' nila.



Pag-akyat naman nila sa iba pang floors maiisip nilang mapagpanggap ka pala kasi sa labas ka lang maganda pero yung mga classrooms mo, maliit, siksikan at mainit. Mukha pang mahilig kang magpalaro ng 'Trip to Jerusalem' kasi kulang-kulang ang upuan. At kung minamalas, may 'Group edition' yung Trip to Jerusalem mo kasi buong klase yung nawawalan ng room, inagawan na ng ibang may TBA sched na naunang nakapasok sa kanila. Makikita din nilang kulang ka ng equipments tulad ng typewriters, computers at microscopes. Yung iba kasi kinalawang na sa luma at yung iba naman virtual lang na nandiyan, mukhang itinago o hindi naman talaga binili. Tapos yung iba siguro props lang. Pero ayos pa rin, may computers naman sa baba sa West Wing at meron din naman sa kahabaan ng Teresa. Meron ding monopolistic competition ng pag-publish ng libro sa iyo at may dagdag na grade kung bibilhin nila ito. Madalas, yun na ang basehan ng grade. Kapag medyo manipis, nasa P180, pag medium ang kapal, P200, pag makapal hindi ko alam. Wala ka pa naman kasing nakitang kasing kapal ng McConnell and Brue, Campbell (Biology) o A History of the World ni Matthew Perry na binebentang libro/module/income-generating tool. Madalas, 200 pages plus lang. Yung iba okay naman ang content may matutuhan ka talaga, yung iba parang nagpamigay ka lang ng pera. Pero hahayaan mo nalang kasi sa grade naman. 



Ilang oras pa makikilala na nila ang mga gurong hinubog mo din sa tagal ng panahon. Madami sa kanila matanda na, yung iba may delusion of grandeur at yung iba naman sadyang ulyanin na. Meron din namang mga bata pa at idealistic. Merong nega stars at meron namang tamang turo lang. Pero meron din naman talagang latak. Yung mga mahilig mang-powertrip, mang-ipit ng estudyante at umabsent. Pag minamalas lang naman sila, sabay-sabay yan sa iisang sem, tapos may dodoble pa, uulit sa susunod na sem. Ayos. Hihilingin nila sayong pwedeng yung okay naman at cool na teacher. Kapag binigyan mo na, magrereklamo naman sa dami ng pinapa-memorize at sandamakmak na quizzes every meeting. Nak ng codswallop. Sa huli, matatanggap ding random sampling to at talagang random yung kadalasang makukuha. Wag ng mag-alala sabi nga "There's a pot of gold at the end of the rainbow (Anonymous)" at minsan literal to. Kasi nung ako, fourth year second sem ko nakuha yung mga okay na prof. Pahabol pero ayos na kesa wala. Random sampling, ika nga.



Madami pa silang makikilala, pero yung isa sa tatak sa kanila e yung mga tibak na naglipana. Sila yung mga taong madalas may gathering sa Popeye na ngayon e Great Wall na, parang sa China. Walang pun dun. Anyways, dapat di sila matakot. Nakakabingi lang minsan yung mga yun kasi laging nakasigaw at nakataas ang kamao kala mo laging may kaaway pero kapag nakausap mo yung iba sa kanila okay naman, ayos sa discourses. Bahala ka na nga lang kung maniniwala ka. Ingat lang, yung iba kasi dun, feeling namin free riders lang at bandwagoners-whateber. Ganun din yung sa ibang political organizations, yung opposite nila yung mga liberal, dilaw naman kulay nila. Ganun din, pipiliin mo lang kausap mo, yung iba kasi napag-utusan lang ni You-Know-Who daw  ng kung sinu-sino. Hindi ko na nalaman kung sino yun, He-Who-Must-Not-Be-Named daw e, kamukha siguro ni Lord Voldemort. Joke lang naman. May point naman parehas yung dalawang kulay na yan- dilaw at pula, ewan ko ba kung bakit nag-aaway palagi, madalas pag eleksyon. Pwede naman kasing peaceful at collaborative co-existence. Hay, "Power corrupts, but absolute power corrupts absolutely (Lord Acton, eternity)." Meron din namang mga academic organizations. Para sa akin kasi mas safe at productive kung doon ka sasali. Una, kasi iwas ka sa mga near-to-irrational bickerings ng warring political organizations. Pangalawa, may mga matutunan kang hindi mo makukuha kung nasa classroom ka lang. Pangatlo, dagdag friends sa Facebook, followers sa Twitter at kakwentuhan pag bored ka na at may gusto kayong pag-tripan. Pero seryoso, acad orgs nalang. Di bale ng bansagan ka nilang walang pakialam at bobo pag kinontra mo ang theories nila. Basta alam mong sa sarili mo may pakialam ka sa nagaganap sa lipunan at alam mo ang sinasabi mo, hindi mo lang talaga gustong ibaba ang sarili mo sa madalas na nakakainis na mga taktika, pwede naman kasi yun. Pareho ha. Wag mo rin pala  okrayin, baka patambangan ka pa o mas malala, temporary digital death. Keri lang naman yung huli. 



Marami pa sila sigurong makikitang bulok sa 'yo, mas madami pa siguro sa naisulat ko dito. Pero alam ko matututunan ka din nilang mahalin sa kabila ng madaming kamalian mo. 



Nakakahiya mang walang electric fan sa classrooms o kaya walang ilaw, ipagmamalaki ko namang madaming ATM sa loob mo, bawat floor pa. Nakakainis mang napakahaba palagi ng iyong pila, mas mahaba pa sa box-office lines ng balik-tambalang Wowie-Juday o Piolo-Sam films, napatunayan ko namang "Patience is really a virtue (ewan, eternity)" kahit na "disguised as a suffering (overheard, 2010)" pa siya. Simula Day 1 yan. At kahit ilang beses kaming mapamura dahil literal na ang hot mo, masaya pa rin. Kasi kahit na may BO yung isang kaklase o kaya may nagpasabog ng Dungbomb sa classroom, matitiis yun kahit papaano. Tumibay na kasi ang friendship sa loob ng iyong mga silid-aralan. Yung nagpatibay na bagay minsan profound tulad ng pagdamay sa problema at pagtulong nung nahirapan ang isa sa kanila. Pero madalas, mundane reasons kung bakit nabuo ang barkada at tumibay ang pagsasama-- pwedeng lipstick at makeup kit ang dahilan kung member ng Embalsamador Girls club o walang kamatayang alak at pulutan kung Gin Kings ang magkakaibigan. Meron namang dahil sa GM at PM kaya yun Tropang Texters na, tapos yung iba dahil sa exams. Cheatmates tuloy.



Makikita nilang nakakatawang experience pala ang manuod ng Pylon Run, hindi dahil sa mga tumatakbong hubad, pero dun sa reaksyon ng mga bakla at babaeng akala mo kung ano ang naganap. Masaya ding manuod ng mga parades ng bawat college at bawat department. Akala mo nasa MMFF float parade ka. Nakakatuwang manuod ng sunset sa 6th floor o sa linear park habang hawak ang kamay ng iyong kasama nagkekwentuhan ang barkada ng buong araw nila. Yung murang tusok-tusok sa kanto o french fries sa East masarap kainin kahit na madaming buraot na classmate, nabusog ka pa rin naman-- sa tawanang hatid nila. Okay ding magreview tapus nakahilera lahat ng upuan ninyo sa kahabaan ng corridors. Nakakapagbasa ka na kasi ng lesson, nakukuha mo pang mag-sight seeing ng kung sinu-sinong dumadaan sa baba. Madame pang karanasang matutuklasan, parang mga secret passageways sa Hogwarts o offices sa PUP na makikilala mo lang pag graduation na. Sila nalang ang maghanap at magiging saksi ka sa bawat makulay na yugto ng college life ng bawat isa.



Kahit tapos na ang apat na taon kong panunuluyan sa iyong abang tirahan, sobrang pinagmamalaki kong galing ako sa iyong paaralan. Wala man tayong pwesto sa UAAP o sa NCAA at hindi man tayo nakakapag- cheer dance, masaya na tayong manalo sa SCUAA. Manatili man tayong 12 pesos per unit, ayos lang, sa huli public service pa rin ang ginagawa mo. Ibinubukas mo ang iyong mga pinto sa mga batang tulad kong mahirap pero deserving ng higher education. Cheesy at cliche pero totoo. Masakit isipin na mayroong mga guro na dahil alam nilang kulang ang pambayad mo, okay ng mediocre ang teaching methods nila. Pero mas malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil meron pa ring handang magturo at magbahagi ng kanilang nalalaman. Salamat, kasi nandun yung passion nila para ipakita sa aming hindi kami nalalayo dun sa mas mayayamang pamantasan. Sana dumami pa ang tulad nila.



Salamat sa tawanan, sa luha, sa inis at sa bawat isang karanasang nabuo sa iba't ibang sulok ng iyong paaralan. Sa'yo ko nakilala ang tunay na mga kaibigan at ang mga taong dapat pahalagahan.



Salamat dahil tinuruan mo ako ng maraming bagay na alam kong magagamit ko ngayong bahagi na ako ng lipunang pilit nating binabago. Salamat kasi nung simula pa lamang, unti- unti mo akong minulat sa mga bagay na dapat kong pakialaman at mga prinsipyong dapat kong panghawakan. Natuto akong itaas ang aking kamao kung kinakailangan pero maupo at makipag-usap dahil iyon ang mas nararapat. Natuto akong manindigan at makisama. Natuto akong masiyahan at makuntento sa mga maliliit na bagay sa buhay. Natuto akong mahalin ang pagkatuto. Natuto akong maging "the best na flower vase (Ramilo, 2011)" sa lahat ng flower vase sa paligid ko.



Dalawang buwan na ang lumipas ng ako'y lumisan sa iyong pisan at aaminin kong hindi kita ganung na-miss. Pero hindi ibig sabihin nuon na ayaw ko na sa'yo. Gusto kong bumalik. Gusto kong makabawi. Magtuturo ako, pangako. Pero sa ngayon hayaan mo muna akong lasapin ang mas malawak na mundo. Hayaan mo muna akong maglakbay at makisalamuha. Hayaan mo muna akong mag-aral muli. Hayaan mong punuin ko ang aking sarili ng mga panibagong karanasan at kaalaman. Para pagbalik ko, mas marami akong ibabahagi sa mga taong uhaw sa pagkatuto. Pagbalik ko, katuwang mo na ako sa pagbabago.



:)


Labels: , , , ,