felix felicis

felix felicis: September 2011

Monday, September 5, 2011

When it rains, It's four! *



I haven't written anything for the month of August but I’ll be compensating by squeezing in everything in this blog entry. :)

The month started with rainshowers, followed by several downpours and ended with another ~water fall. Well, it might be a hassle for others to have a month full of rainy days-- wearing raincoats and bringing umbrellas a-la daddy long legs, or some might have cursed the clouds for being too boring and dull but as optimists have said, there's sunshine after the rain. So I believe, WHEN IT RAINS, IT'S FOUR! (konek?!)

Anyway, kahit na wagas ang ulan last month, there were still great blessings that came from above. Kasabay ng ulan ang pagpapala! MADAMING PAGPAPALA!

First on the list. I GOT NEW WORK! (yehey!). 

Last August 1, I transferred to LCP as one of their staffs. It was so exciting and nerve-wracking at the same time. I already served as an intern there during my junior year in college, but it's really different when you're already a true member of the club. haha. There are expectations from you, pressure brought by work and new form ng pakikisama. Mas mature na mga kasama ko e. Hahaha. 

The first week was a blast. May meetings agad at whole-day workshop by Friday. Plus, papers everyday. Ang galing. Sobrang nakaka-challenge yung daily activities, parang nag-aaral ulet kaso this time, binabayaran ka na sa ginagawa mo at may bosses kang laging nagchecheck sayo. Tapos may outside people na may expectations din sayo to represent your company's good image. Yung mga sumunod na week, mas madami pang meetings at paperworks plus may TWG hearing na. Eto yung mejo madugo kase mauupo ka sa roundtable at magdi-discuss ng important points with several important people too. Merong galing sa government agencies, meron din namang from private sector at minsan may sectoral reps din. Nakakatuwa kase parang meeting of the minds.

Yung second major blessing naman e, yung challenge mismo ng work. I thank God because I was able to pass my requirements on the supposed deadline and with quality syempre. I was also blessed with superiors who are willing to teach me the tricks of the trade. Although walang formal training or briefing sa kung anong mga gagawin ko, I was still learning by doing. They assign me things to do and in turn, they happily check my work. So far, wala pa namang major blunder. And I hope hindi dumating dun. hahaha. Sa ngayon, masayang bumalik sa basics (i.e. letter and memo-writing, reading a lot of papers and massive research) kase mas natututo ako at mas naa-appreciate ko yung mga bagay na naituro saken dati.

The third major blessing for this month e NAGKATRABAHO NA SI RAZELLE! yehey! Sobrang nakakabless to at nakakatuwa. Mejo matagal-tagal din kaseng naghintay ang Heredera. (Kung baket heredera, e napagtripan ko lang- Razilda Heredera kase yung full name niyan e). Anyways, after grad, syempre parting of ways na. Ayon sa balita, marami-rami na yung may work sa classmates ko, meron sa private companies, meron ding sa government at di mawawala yung nag-call centers. Tapos yung iba, nasa law school. Eto yung mga seryoso talagang magtuloy mag-abugado in the near future. Kaso meron ding naiwan pa. Yun nga si Razelle. For months, di pa nagtetext si te at nagchachat. Nag-alala tuloy kame ni Jon the Explorer (gala kase) kaya nung dull, autumn (autumn?!) afternoon ng August 18, we visited our friend! Pag dating namen sa mansion ni Lola Ana, kagagaling lang pala ni Heredera sa Makati for a job interview o application ata. Ayun tas kwentuhan. Nalaman nameng ~overqualified sya dun sa isa niyang inaplayan. Epal. hahaha. After kwento, gala with Kuya Lu tas kwento ulet ng madame.

Nalaman ko nalang by Monday pala, after ng aming gala, may work na si Baklaaaa! Ang galing! Nasagot yung prayers namen para sa kanya. At kahet di siya nagtext agad na may work na siya (oo, pinaparinggan kita. hahaha) ayos lang, mayaman na siya! hahaha. Sa isang law firm na siya ngayon at sumweldo na siya nung 31! Hodiba! Ang galing, iba si Lord mag-bless! Siguro naging sobrang patient si Razelle! hahaha. At sana sa fug-ibig magantay na din siya! lol. :P (gusto ko lang isingit!)

Yung bonus blessing (4th) e yung una kong sweldo! hahaha. Sayaaaaaa! Worth it yung three-week outputs. Pagdating ko sa office nung 27, pinapirma na ako ng cheke! Hahaha. Kulay green at tumataginting. lol. Kaso bago ko siya nakuha sa bangko (dahil wala pa akong Landbank ATM), umadventure muna ako. Muntik na siyang maging series of unfortunate events kungdi lang nag-extra speed yung faith at patience! hahaha. Friday kase yun. Wala naman akong balak na kunin sana agad yung datung kaso long weekend ang kasunod at naisip kong sobrang mahaba ang pila by Wednesday pag resume ng banking ops so ginetching ko na. May meeting that morning sa DOH-San Lazaro Cpd. After dun, dinala ko nalang yung pagkaen ko at nag-LRT pa-Buenja dahil yun ang intindi ko sa instructions ni Madir. Akala ko tama, pero mali-mali. At matindi ang pagod na inabot ko nung maghapong yun. Nilakad ko yung Buenja sa pag-aakalang may Landbank dun, nung nakita kong wala, sumakay akong bus sabe ko dun sa Landbank sa Makati. Malay ko bang dalawa sila o higit pa--may isa sa Paseo at isa sa may Guadalupe katabi ng Jaguar showroom. Ayun, dun ako napunta sa Paseo. Pawis na hunderharms ko, gutom pa ako at madami dami na rin ang pagod. pero go pa rin. Pwede sana dun, kaso di ako umabot sa 12pm cutoff kasi 1:45pm nung dumating ako. Keri, speed away to Guada accdg kay Kuya LB Guard. Nilakad ko hanggang RCBC tower at sumakay pa-Belair. Akala ko easy cruising na along the road pero hindi parin. Hindeee! May extra challenge pa. Malapit na akong mapamura. Traffic. Shucks. E hanggang 3pm lang ang bangko, after nun, it's all over. At dun sa jeep, I wait. 2.30. And wait. 2.40. Then, voila, yun na, Landbank naaaaa! Underground pala ang daan ng bangkong patooootooot! Pagdating ko wagas ang pila pero meron palang special line sa chekeness. Labas na yung id's tas pila. Anak ng tinapa. Muntik di tanggapin yung ids ko dahil isang company id dala ko tas yung isa yung burado kong school id. Di daw pwede, tanong ko daw sa bank personnel nila. Buti pinayagan naman, sabe ko kase new grad lang ako at kaa-apply ko lang for govt ids (i.e. SSS, TIN). So gora aunor na ulet ako sa pila then wait galore na naman. Mga 20 minutes, nakuha ko na yung goal ko for the day! hahahaha. Parang nag-slomo lang lahat. Then bumalik lahat ng feelings-- gutom, pagod, sakit ng ulo. Hahaha. Taxi back to office at ice cream pagkatapos. The day was capped off. 

Yun. Madami pang side blessings si Lord, pero eto yung “major major (Raj, 2010).” Bongga lang talaga. Kahit na andame ko ding pagkukulang kay Lord, meron pa ding magandang balik. Sobrang nakakabless at nakakainspire na mas galingan pa this coming months para sulit ang 2011. Until next post!

Philippians 4:19
But my God shall supply all your need according to his riches in glory by Christ Jesus.

* "When it rains, it pours" kase yan. Hahahaha. :P

Labels: , , ,