Mga problemang sikmura

Palaging naitatanong sa sarili, nakakatulog pa kaya sila sa lahat ng mali nilang ginagawa? Nakukuha pa kaya nilang magkaroon ng payapang pahinga sa dami ng taong nasira at naatraso nila? Kaya pa kaya nilang humarap at makisama gayong alam nilang masama ang pakay nila? Baka hindi. Sana hindi. 

Pero sa takbo ng pangyayari, mukhang oo. Kasi sanay na. Nasisikmura nilang lahat ng iyon. Halang na rin ang kaluluwa. Isama mo na yung atay, apdo at balun-balunan. Kung mas matindi, baka pati appendix, damay na. 

Mapapabuntung-hininga ka nalang. Minura mo na sila ng bongga-- binitiwan ang lahat ng mabibigat na salitang pwedeng bitawan. Gago. Tarantado. P*ta. Bakit ganon? Saan kaya sila kumukuha ng kapal ng mukha? Hindi ko rin alam. 

Sa bawat galit na mararamdaman, kasabay ding nagpapatong-patong ang mga tanong na kailangan ng kasagutan. May gusto kang gawin, maitama ang mali, makaganti man lang kahit konti. Kaso ang problema'y madalas tatsulok, nasa baba ka, sila yung nasa tuktok. 

Bulok nga kaya ang sistema? Bulag ang hustisya, nabingi at napipi na rin kalaunan. Kaya ikaw na ordinaryong taumbayan, unti-unti ng mawawalan ng gana. Wala rin namang mababago, para san pa? 

Wala na nga ba? Baka meron pa. Sana meron pa. Oo meron pa. 

Wag ka nalang muna bumigay. Kung sa bawat ulan, may bahagharing sumisikat; sa bawat punong pinutol, may panibong punlang sisibol; sa bawat tigang na lupang hinukay ay may tubig na bubukal, ganoon din sa ganitong bagay. 

Sabi ni Ate Guy, "walang himala." Marahil may katotohanan. Para matutunan nating lahat ay paghihirapan. 

Pero mas ok panghawakan ang pangalang panrebolusyong ginamit ni Bonifacio nung siya'y nasa Katipunan.

May pag-asa. 

Labels: , , , , ,

felix felicis: Mga problemang sikmura

Saturday, September 7, 2013

1 Comments:

At September 10, 2013 at 8:40 AM , Blogger finyapol said...

poetic! LOL masasabi ko jan! T*** I*A!!! LOL

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

Links to this post:

Create a Link

<< Home